Friday, February 13, 2009

PANANALIKSIK

Ang Maitutulong ng Blog sa mga Estudyante ng UST Commerce: Isang Pag-aaral


Mga mananaliksik:

Balay, Maribeth - balay_cute09@yahoo.com

Banzuela, Princess - rozen_28891@yahoo.com

Carrion, Jessica - j.carrion.21@gmail.com

King, Jamila - jamila_004@yahoo.com

Llenado, Jenine - jllenado@yahoo.com



Kabanata I

  1. Panukalang Pahayag

  • Ang maitutulong ng Blog sa mga estudyante ng UST Commerce.

  1. Introduksyon / Paglalahad ng Suliranin

  1. Pagtukoy sa Paksa

  • Ang paksa ng mananaliksik ay ang mga maitutulong ng blog sa buhay ng mga estudyante ng UST Commerce.

  1. Paglalahad ng Suliranin

  • Ano nga ba ang blog?

  • May iba’t ibang klase ban g blog?

  • Ano ang maitutulong ng blog sa mga estudyante ng UST Commerce?

  • May mabuti bang maidudulot ang blog sa mga estudyante ng UST Commerce?

  • Saan ginagamit ng mga estudyante ng UST Commerce ang blog?

  • Bakit nga ba ginagamit ng estudyante ng UST Commerce ang blog?

  1. Kaligiran ng Paksa o Suliranin

  • Ang blog ay isang website na may kakayahang makapaglahad ng komentarya o opinyon, instarksyunal, reperensyal, pangyayari at iba pang materyal tulad ng grapiks at tsarts. Ang weblog na nangangahulugan na “we blog” ay nilika ni Jorn Barger at ipinaikli na ginawang blog ni Peter Merholz. Ito ay nagsimula kasabay ang pagkakalikha ng internet. Ang blog ay may kakayahang makapagbigay ng interaksyon sa pagitan ng mga blogger sa pag-blogging at dahil dito ay nagkaroon ng ugnayan ang bawat isa sa blog. Ang blog ay pwede din na maging alternatibo ng telebisyon, dyaryo atbp., na makakapagbigay ng mahahalagang balita na naglalahad ng opinyon ng publiko na akma sa kanilang gusto.

  1. Personal o Panlipunang Udyok sa Pagpili ng Paksa

  • Napili ng mananaliksik ang paksang ito dahil nais matuklasan ng mananaliksik kung nakatulong ba ang blog sa mgaestudyante ng UST Commerce. Ang paggamit ng blog na ginagawa ngayon ng karamihan sa kompyuter, Pagbabasa man o paggagawa ng blog ay parehong nais iparating na magkaiba ang gawain ay may mga pagkakatulad din ito dahil pareho itong nakaka-apekto sa mga estudyante ng UST Commerce. Noon walang blog ngayon mayroon na. Nais iparating ng blog na kahit sa kompyuter ay kayang kaya nang makapagsiwalat ng emosyonal na nararamdaman o riserts pa iyan. Ang paksang ito ay masusubok kung ang mga epekto ng blog sa mga estudyante ng UST Commerce ay makatutulong ba.

  1. Rebyu o Pag-aaral

  • Ayon sa Scientific American, isang sikat na babasahin sa New York City na nupublish noong Hunyo 2008 , ang blog ay isang self-medication dahil sa pagsusulat ng mga saloobin at mga karanasan nagbibigay ito ng therapeutic benefits o pagtanggal ng pagod sa mga problema at iba pa. Ito rin ay nagbibigay ng physiological benefits tulad ng pagkakaroon ng mas maayos na pagtulog at pabutihin ang isip, pagdami ng immune cell activity sa ating katawan at nagpapabawas ng viral load sa mga pasyenteng may AIDS. Nagpapabilis din ito ng paggaling sa mga nagpapasurgery.

  • Ayon din sa Life Positive, isang site sa internet (www.lifepositive.com), ang pagsusulat ng saloobin ay may kakayahang magbigay kasiyahan dahil nailalabas ng isang tao ang kaniyang mga negatibong naiisip. Nakasaad din dito na ang pagsusulat ay isang disiplinadong action na nakabibigay ng bagong kaalaman sa ating sarili at ang pakikikapwa ng tao sa iba.

  • Ayon din kay Amy Kenyon, isang blogger, mahalaga sa kanya ang blogging kaya nagsagawa siya ng isang proyekto na makakabenepisiyo ang mga mambabasa sa blog at ang estudyante niya rin sa kanyang pinagtuturuan. Magsisimula ang kanyang proyekto sa pagbasa at pagkomento ng kanyang mga estudyante. Kapag natuto na ang mga estudyante sa pagblog ang mga estudyante naman ngayon gagawa ng kanilang mga sulatin katulad ng mga kwento ng mga estudyante sa kanilang buhay, kanilang repleksyon at iba pang gawain. Nakasaad din dito ang pagkatuto sa ating bagong teknolohiya.

  1. Layunin

  • Ang layunin ng pananaliksik na ito ay upang magbigay ng ideya kung ano ang naitutulong ng blog sa mga estudyante ng UST Commerce. Ito ay may kakayahang makatulong sa larangan ng pag-aaral at sa pansariling kalusugan. Layunin ng pananaliksik na ito ay makapagbigay ng impormasyon sa mga aralin tungkol sa paggamit ng blog.

  1. Halaga

  • Mahalaga ang pag-aaral na ito dahil nakakatulong ito sa mga mambabasa kung ano ang mga naitutulong ng blog sa mga estudyante ng UST Commerce, at nagbibigay din ito ng kaalaman kung ano ang maaaring maging epekto ng paggamit ng blog. Mahalaga din ang pag-aaral na ito para sa mga ibang taong hindi mulat sa naitutulong ng blog. Malaking tulong din ito para sa mga tulad namin na mga estudyante at mananaliksik na mayroon din ganitong uri ng pananaliksik.

  1. Konseptwal na Balangkas


  • Ito ang tsart na nagpapakita ng kaugnayan ng blog sa mga estudyante ng UST Commerce. Nais ipakita ang interaksyon na nagagawa ng blogger at pag-blogging sa mananaliksik. May mga iba’t ibang uri ng blog na may kakayahan na makakuha ng mga datos tulad ng instraksyonal, opinion, reperensyal, editoryal, atbp., na makakatulong sa mananaliksik. Ipinapakita din ang mga dahilan ng paggamit ng blog tulad ng paglabas ng saloobin, pakikipag-ugnayan sa iba, pagbibigay impormasyon, atbp., at dahil dito sa mga nabanggit nagkakaroon ng epekto sa mga estudyante ng UST Commerce. Maaari itong maging positibo o kaya naman ay negatibo. Sa pamamagitan nito maaaring matukoy ng mananaliksik kung makakatulong ba ito sa mga estudyante ng UST Commerce.

  1. Metodolohiya

  • Ang paraan na gagawin ng mananaliksik ay gumawa ng survey. Upang makuha ng mananaliksik ang mga kasagutan ng mga estudyante ng UST Commerce kung saan sila pumapabor o sagot sa kanilang mga nakagawian ukol sa blog. Magsasagawa din ng obserbasyon sa mga estudyante ng UST Commerce ang mananaliksik upang makatuklas ng iba pang impormasyon. At maghahanap ng mga maaaring datos na makakatulong sa pananaliksik sa pamamagitan ng silid-aklatan at internet.

  1. Saklaw o Delimitasyon

  • Ang aming pananaliksik ay sasakop lamang sa mga kasalukuyang estudyante ng UST Commerce sa A.Y. 2009-2010. Nagsagawa ng survey ang mananaliksik tungkol sa paggamit ng blog, kung gaano kadalas gumamit ng blog, bakit nagboblog at kung ano ang kahalagahan ng blog sa mga estudyante ng UST Commerce. Sa papamagitan ng pagsagot sa mga piling katanungan katulad ng pagsagot ng oo o hindi na binigay ng mananaliksik.

  1. Daloy ng Pag-aaral

  • Tinatalakay sa unang kabanata ng pananaliksik ang tungkol sa blog at blogging. Ito ay ang kung ano ang maitutulong ng blog at kung may naidudulot ba ito sa mga estudyante ng UST Commerce. Tinatalakay din dito kung saan at bakit ginagamit ang blog ng mga estudyante ng UST Commerce. Dito sa parteng ito makikita ang mga gagawin ng mananaliksik, layunin at halaga ng pag-aaral na ito.

  • Ang ikalawang kabanata ng pag-aaral ay tumatalakay sa pag bibigay ideya sa nagagawa ng blog at impormasyon na nakalap sa mga estudyante ng UST commerce ukol sa blog.

  • Ang huling parte ng pananaliksik ay nakasentro sa pagsusuri ng mga nakalap na datos at konklusyon sa pag-aaral ng pananaliksik na ito. Dito rin nakasaad ang rekomendasyon ng mananaliksik ukol sa blog na magbibigay impormasyon sa mambabasa.

    Kabanata II


  • Ang blog ay isang dyornal o diary at ang blogger ay ang tawag sa mga manunulat sa blog. Ang blog napinaikling salita ng weblog ay nagmula sa ideya ni Jorn Barger na sinundan ni Peter Merholz. Ang blog ay nagsimula noong 1990's at sa pagsusulat ng mga tao sa mga dyornal sa internet at ginagawa para sa mambabasa sa internet. noong panahon ng 1990's tinatawag sa mga manunulat sa blog ay journalists, journalers, diarist at escribitionists. nagsimula ang mga manunulat ng blog o tinatawag ngaung blogger na maggrupo grupo bilang isang impormal na samahan na binansagan nilang "web rings". pagdating ng 2001 ang blog ay nagsisimula ng makilala at nung taon din na ito nakilala ang pinaka sikat na blogs ilan sa mga ito ang Instapundit,little green footballs, andrew sulliva.com at marami pang iba. noong naganap ang 9/11 o ang pagatake sa World Trade Center ang naging dahilan sa pagkilala ng blog dahil ang blog ay nagbibigay sa mga tao ng mga balita o impormasyon ukol sa kaganapan sa 9/11 kung may pagkukulang man sa media. Noong sumunod na taon ang Daily Kos(pinaka pinupunthang blog noon) ay nagsimula at nakakakuha ito ng humigit kumulang na isang milyon mambabasa sa loob ng isang araw. simula noong panahon ng 9/11 ang blogging technology ay tumaas at naging mas madaling gamitin para sa lahat lalo na sa mga taong hindi pamilyar sa computer at internet.

  • Ayon sa aming survey na pinasagot sa mga estudyante ng UST Commerce:
IPINAPAKITA SA TSART NA ITO NA MAYROONG 55% NA MGA ESTUDYANTE NG UST COMMERCE ANG HINDI GUMAGAMIT NG BLOG AT 45% LAMANG ANG PORSYENTO NG MGA GUMAGAMIT NG BLOG.



MAKIKITA DITO ANG PORSYENTO NG MGA ESTUDYANTE NG UST COMMERCE KUNG GAANO SILA KADALAS MAG BLOG. 28% AY SUMASAKOP SA 3 BAHAGI. ITO AY ISANG BESES SA ISANG LINGGO, ISANG BESES SA ISANG BUWAN AT IBA PANG DAHILAN. 11% AY ANG ARAW-ARAW NA PAGGAMIT NG BLOG AT 6% ANG DALAWANG BESES SA ISANG LINGGO.



MGA PORSYENTO NG MGA ESTUDYANTE NG UST COMMERCE KUNG BAKIT SILA NAG-BABLOG. 75% AY UPANG MALIBANG, 20% AY UPANG MAILBAS ANG KANILANG SALOOBIN AT 5% AY PARAAN NILA SA PAGPAPALIPAS NG ORAS.



DITO IPINAPAKITA ANG PORSYENTO NG KAHALAGAHAN NG BLOG PARA SA MGA ESTUDYANTE NG UST COMMERCE. 39% SILA AY ANG MGA NATUTUTO AT NALILIBANG, 26% AY NAPAPAHAYAG NILA ANG KANILANG SARILI, 22% AY NAGKAKAROON NG UGNAYAN SA IBANG TAO AT 13% AY NAGKAKAROON NG MAS MADAMING KAIBIGAN.


    Kabanata III

  • Sa nakalap na mga impormasyon ng mananaliksik sa mga estudyante ng UST Commerce sinasabi rito na 55% ang hindi gumagamit ng blog at 45% ang gumagamit ng blog. Sa mga gumagamit ng blog 28% ang once a week, once a month at iba pang araw na wala sa pag pipilian ang gumagamit. Sa mga laging gumagamit ng blog sumasakop lamang sa 11% at 6% sa mga dalawang beses sa isang linggo. May mga dahilan ang mga estudyante ng UST Commerce kung bakit sila gumagamit ng blog. Una ay ang panlibang na sumasakop ng malaking porsyento sumunod ang paglalabas ng saloobin at ang huli ay ang walang magawa. Makikita sa pananaliksik na ito na ang paggamit ng blog ng mga estudyante ng UST Commerce ay para sa kanilang pansariling libangan lang na magbibigay kasiyahan sa mga gumagamit nito. Ang kahalagahan ng paggamit ng blog sa mga estudyante ng UST Commerce ay paglalabas ng kanilang saloobin. Sinasabi sa Scientific American na ang paglalabas ng saloobin ay makakatulong sa ating kalusugan. Ang pagkakaroon ng ugnayan sa iba’t ibang tao ay isa ring dahilan dahil sa blog mas mapapabilis nila ang paraan ng kanilang komunikasyon. Ang pagdami ng kanilang kaibigan ay isa rin sa kahalagahan ng mga estudyante ng UST Commerce at ang pinaka pinili ng mga estudyante ng UST Commerce ay ang nalilibang at natututo dahil sa blog napagsasabay nila ang pagkakaroon ng kaalaman sa mga iba’t ibang impormasyon at dahil din doon sila ay nakokontento sa kanilang ginagawa. Makikita natin na ang gumagamit ng blog ay may kanya kanyang opinyon sa paggamit nito at may mga benepisyong makukuha.

  1. Konklusyon

  • Sa paglalahat, ang blog ay may naitutulong sa mga estudyante ng UST Commerce. Nagkakaroon ito ng malaking epekto sa mga estudyante ng UST Commerce tulad ng mas malawak na kaalaman, paghahatid impormasyon, paglalabas ng saloobin at iba pa. Ayon sa resulta ng survey ng mananaliksik, napatunayang nakakatulong ang blog sa mga estudyante ng UST Commerce dahil natuklasan nilang may kakayahan ang blog na magbigay kasiyahan at pagkakaroon ng kaibigan sa mga estudyante ng UST Commerce.

  1. Rekomendasyon

  • Dahil natuklasan ng mananaliksik ang importansya at naitutulong ng blog, nirerekomenda ng mananaliksik na gamitin ito sa mabuting paraan. Dapat din magbigay ng tamang impormasyon sa paglalagay ng datos. Gamitin ang blog para mailabas ang saloobin. Maaari ding gamitin ang blog sa pagpapasa ng mga dokyumento at iba pang proyekto na mapapabilis an gang mga gawain ng guro at estudyante.


Sanggunian


  • Wapner, Jessica. “The Therapeutic Value of Blogging Becomes a Focus of Study.”

Magazine. American Scientific. New York. May 2008.

  • The Educational Value of Blogging.” Article. Blogsessive.com. 25 June 2008.

< http://blogsessive.com/blogging-tips/blogging-blogging-tips/educational- blogging/ >

Promotes Health and Emotional Well-Being.” U.S.A.: American

Psychological Association. 2002.


Mga pasasalamatan:
  • Ang mga piling estudyante ng UST College of Commerce sa pagbibigay ng panahon sa pagsagot sa sarbey ng  mga mananaliksik 
  • Sa mga nakalap na mga impormasyon mula sa mga aklat at artikulo na nagbigay dagdag kaalaman sa mga mananaliksik
  • Sa aming guro na ginagabayan ang pagsasagawa ng pananaliksik na ito
  • Sa mga taong nagbigay ng mga saloobin at komento sa pananaliksik na ito 
  • at kay God na binigyan ang mga mananaliksik ng kakayahan na matapos ang pananaliksik na ito.
Salamat Po! 









3 comments:

  1. wow good job mga ate salamat te

    ReplyDelete
  2. wow good job mga ate salamat sa inyong work Ty from caesargerasmio@yahoo.com

    ReplyDelete