Monday, March 2, 2009

conceptual na balangkas

Ang pamagat ng aming pag-aaral ay ang maitutulong ng blog sa estudyante ng UST commerce. Ang mga layunin ng pag-aaral na ito ay para matuklasan ng mga mananaliksik ang mga maitutulong ng blog sa estudyante ng komersyo. Nais din nila irekomenda ang nasabing pag-aaral sa ibang tao upang makatulong sa kanilang mga gawain at pandagdag kaalaman din ito para sa mga makakabasa ng aming pinag-aralan.Nagsagawa ang mga mananaliksik ng sarbey tungkol sa blog sa mga estudyante ng komersyo sa paraan ng pagsasagot ng mga estudyante ng ilang mga katanungan mula sa mga mananaliksik gaya ng gaano kadalas gumamit ng blog? nakasaad din dito kung ano sa tingin nila ang rason kung bakit sila gumamit nito o hindi. Ang inaasahang resulta ng mga mananaliksik ay marami ang maitutulong ng blog sa mga estudyante ng UST Commerce, sa kadahilanan na sa blog, maaari mo itong gamitin upang ikaw ay maganunsyo ng iba't ibang aktibidades ng ating kolohiyo, sa paggawa ng blog, maaari ka ring magpahayag ng sariling saloobin na mababasa ng maraming tao.